Buhay ng tao at ang Entablado.

Ang entablado ay ang lugar na pinagtatanghalan ng mga dula. Marami at iba iba ang mga mukhang makikita na nag bibigay buhay sa iba’t ibang papel sa bumubuo sa dulaan. Maayos, dahal dahan at organisadong inihahanda ang lahat: sapat na ilaw, akmang tunog at mga ‘props’ na nag-dadag kulay sa pagkakabuo ng dula. May mga tagapanuod ka, taga obserba at taga palakpak din.

Ganyan din ang buhay ng tao. Tayo ay nagsisilbing nagtatanghal sa entablado, kung saan isinasabuhay natin ang isang palabas na nais natin makapukaw sa atensyon ng ibang tao. Mayroon din tayong iba’t ibang ugali na ipinapakita, iba’t ibang mukha at iba’t ibang kulay upang lumabas na mas maganda tayo sa pangingin ng iba. Ang ating mga kakilala at kaibigan ay nagsisilbing tagapanuod natin. Yung iba ay parang tambay lang na kapag nainip na ay aalis na. Hindi na tatapusin at hihintayin na mag sara ang kurtina. Ang iba naman ay manunuod at mag oobserba, ngunit wala namang ibang ginawa kundi ang bilangin ang mga mali mo. Yung iba naman ay matyaga, tatapusin ang palabasm papalakpakan ka at sasabihing minamahal ka nila. Ngunit naiintindihan ba nila ang tunay na nagaganap sa likod ng entablado?

Minu-munito, oras-oras ay bumabangon ka, magdadamit ng maganda, lahat para sa ikagaganda ng iyong palabas. Sinisikap mong mas lalong aliwin ang mga tao upang mas madami ang tumangkilik sayo. Ngunit nakakalimutan mo na ang tunay na kahulugan ng pagtatanghal mo. Yun ay ang matutunan mong umarte ng kung ano ang nasa puso mo at hindi ang umarte ng batay sa gusto ng ibang tao na i-arte mo. Tandaan mo na ang tunay na importansya ng buhay ng tao sa entablado ay hindi nasusukat sa dami ng tagapalakpak kundi sa dami ng napangiti mo at sa laki ng ligayang natamo mo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s